BayadTrack · Business Systems · Websites

Sino pa ang may utang?
Alam mo agad.

BayadTrack ang payment tracker para sa internet reseller at kahit sinong may buwanang listahan ng sisingilin. Google Sheets lang, gumagana sa phone, real-time — tina-type ng collector ang bayad sa field, at ilang segundo lang ay kita mo na sa dashboard mo. Walang tawagan, walang "i-send ko mamaya".

Kayang-kaya sa cellphone Walang binubura kada buwan GCash at bank transfer
Isang opisyal na account lang Gamitin lang ang payment details na ipinapakita pagkatapos mong mag-order sa official GDS order process.
Nakasulat ang presyo Nasa product page ang halaga at kung ano ang kasama — walang "PM for price".
May reference number Kada order may sariling reference na matra-track mo kahit hindi nagme-message.
Kasama ang setup Hindi lang file ang binili mo — inilalagay namin ito at tinuturuan ka.
Ang pangunahing produkto

BayadTrack

Kung nangongolekta ka ng buwanang bayad, alam mo ang problema: nasa notebook ang isa, nasa chat ang isa, at sa dulo ng buwan hindi mo na alam kung sino ang nakabayad na. Ito ang inaayos ng BayadTrack.

Nakikita mo sa isang tingin

  • Kabuuang nakolekta ngayong buwan, at ang natitirang balanse
  • Hatian kada area — alin ang malakas, alin ang bagsak
  • Sinusunod-sunod na listahan ng dapat mong puntahan bukas

Hindi nawawala ang datos

  • Lumipat ka lang ng buwan — walang binubura, walang "start new month"
  • Ang na-disconnect ay nakatago lang — dala pa rin niya ang utang kapag bumalik
  • May dating utang ang kliyente? Ilagay mo kung ilang buwan at sasama na ito
Inaalok namin

Mga tapos na at handa nang gamitin

Products and services na tested, ready, at kaya naming suportahan. May iba pang binubuo, pero hindi namin ibebenta ang wala pa.

Ang Proseso

Apat na hakbang, walang paikot-ikot

Ganito ang takbo mula sa pagpili hanggang sa matanggap mo ang file. Nakikita mo ang lahat ng detalye bago ka pa magbayad.

Piliin ang product

Buksan ang product page. Nandoon ang presyo, ang kasama sa package, at ang kailangan mo bago magsimula. Walang tinatago.

Punan ang order form

Pangalan, contact, at paraan ng bayad. Pagka-submit, makukuha mo agad ang Order Reference mo — halimbawa GDS-2608-0042.

Magbayad at ilagay ang reference

Ipapakita ang eksaktong halaga at ang GCash o bank details. Ilagay ang reference sa notes ng bayad para agad namin itong makita.

Upload ng screenshot

I-upload ang receipt. Ve-verify namin, tapos itatakda natin ang setup mo — karaniwang ilang oras lang.

Paraan ng Bayad

Payment details will be shown after you submit your order.

After placing your order, makikita mo ang exact amount, official payment details, at QR code bago ka mag-upload ng proof of payment.

For your security, use only the payment details shown after submitting your order through the official GDS order process. Huwag mag-send ng payment sa account na galing sa unofficial message, comment, o ibang source.
Bakit dito bumili

Maliit kaming operasyon, at hindi namin ito itinatago

Hindi kami kompanyang may support team. Ang taong sumasagot sa iyo ay ang mismong taong gumawa ng BayadTrack. May magandang bahagi at may hindi — sinasabi namin pareho.

  • Inaalok lang namin ang mga produktong tapos, tested, at kaya naming suportahan. Hindi namin ibebenta sa iyo ang wala pa.
  • Kasama ang setup. Hindi ka bibigyan ng file at iiwan. Ilalagay namin ito sa Google Drive mo at ituturo namin kung paano ito gamitin.
  • Sinasagot ka pagkatapos mong magbayad. 30 days support after setup, including a first-month check-in — iyan ang parte na madalas nawawala sa iba.
  • Sasabihin naming hindi kung hindi bagay. Kung hindi tugma ang BayadTrack sa paraan ng pangongolekta mo, sasabihin namin — mas mabuti nang walang benta kaysa may hindi nagamit na binili.
Mga Tanong

Madalas itanong

Ligtas bang magbayad dito?

Hindi kami humihingi ng password, OTP, o card details — kailanman. After submitting your order, makikita mo ang official GCash or bank payment details, exact amount, at QR code. Use only the payment details shown in your official GDS order page. Ang site ay tumatanggap lang ng screenshot ng resibo bilang patunay.

Kung may nag-message sa iyo na humihingi ng OTP o nagbigay ng ibang account number, hindi iyon kami.

Para kanino ba talaga ang BayadTrack?

Para sa mga may listahan ng buwanang sinisingil: internet reseller at kapitbahay-net, coop, may-ari ng apartment o boarding house, at kahit anong negosyong may recurring na koleksyon.

Hindi ito para sa point-of-sale o sa tindahang isahang benta lang — walang recurring na balanse doon, kaya wala kang mapapala rito.

Gaano katagal bago ko matanggap ang binili ko?

Karaniwang ilang oras lang. Manu-mano naming che-check ang bawat bayad bago ilagay ang file sa Google Drive mo — kaya sigurado kang tama ang natanggap mo, pero hindi ito instant.

Kapag lampas na sa sinabi naming oras, i-message mo lang ang reference number mo at hahanapin namin agad.

Paano kung nabayaran ko na pero wala pa rin?

Pumunta sa Track Order at ilagay ang reference mo para makita ang status. Kung matagal nang naka-pending, message mo kami kasama ang reference at screenshot ng bayad — inaayos namin ito nang parehong araw.

May refund ba?

Basta hindi pa namin naisasagawa ang setup mo, buong refund — walang tanong. Pagkatapos naming maibigay at mailagay ang file, hindi na ito maibabalik, pero kung mali o sira ang natanggap mo, papalitan namin ito o ibabalik ang bayad. Nakadetalye ito sa Refund Policy.

Pwede bang cash on delivery o installment?

Wala pang COD dahil digital ang produkto — walang pisikal na ipapadala. Para sa website development, hati ang bayad: 50% bago magsimula at 50% pagkatapos i-launch.

May iba pa ba kayong produkto?

May mga binubuo pa kami, pero hindi namin ibebenta ang hindi pa tapos. Kapag may bagong handa na, unang malalaman ito sa aming Facebook Page.

Handa nang subukan ang BayadTrack?

Tingnan mo muna ang buong detalye at presyo. Kung may tanong ka, message lang — mas mabuting matiyak bago bumili.