Serbisyo

Website at Landing Page Development

Gumagawa ako ng website at landing page para sa maliliit na negosyo sa Pilipinas — mula sa isang page na pangbenta hanggang sa buong catalog na may order at payment flow, katulad mismo ng site na binabasa mo ngayon. Kinakausap muna kita bago mag-disenyo; walang template na binabago lang ang kulay.

Ano ang kasama

  • Kinakausap muna kita — kailangan kong maintindihan ang negosyo mo bago mag-disenyo
  • Gumagana sa cellphone — dito manggagaling ang karamihan ng bibisita mo
  • May order at payment flow kung kailangan mo (GCash at bank transfer, may proof of payment)
  • Naka-connect sa Facebook Page mo — diretso sa tamang page ang link ng post mo
  • Tinuturuan kitang mag-update ng teksto at larawan mag-isa
  • Sa iyo ang lahat ng files at accounts pagkatapos

Detalye

Karaniwang tagal1–3 linggo depende sa laki
KasamaDisenyo, pagbuo, hosting setup, at deployment
HostingLibreng hosting sa umpisa; tutulungan kitang bumili ng domain
Bayad50% para magsimula, 50% pagkatapos i-launch
Revisions2 round na kasama sa presyo
TurnoverSa iyo ang lahat ng files at accounts

Kailangan mo

  • Malinaw na ideya kung ano ang gusto mong ipagawa
  • Logo at mga larawan ng produkto — o tutulungan kitang gumawa
  • Handang mag-usap sa Messenger o call sa umpisa
  • May taong mag-a-update ng laman pagkatapos — tuturuan ko siya

Buong proseso ng order at bayad

Para hindi ka na umalis ng page — ganito ang mangyayari mula sa pag-click ng "Umorder" hanggang sa matanggap mo ang binili mo.

  1. Order form. Pangalan, email o Messenger, at paraan ng bayad. Wala kaming hinihinging password, OTP, o card details.
  2. Order reference. Pagka-submit, makukuha mo ang reference mo (hal. GDS-2608-0042). Ito ang gagamitin mo sa pagbabayad at sa pag-track.
  3. Bayad. Ipapakita ang eksaktong halaga at ang GCash o bank details. Ilagay ang reference sa notes o message ng bayad para agad namin ito matukoy.
  4. Proof of payment. I-upload ang screenshot ng resibo sa page mismo. Nakikita namin ito kasabay ng order mo.
  5. Verification at delivery. Pagka-verify ng unang bayad, kakausapin ka namin para sa detalye ng project at sisimulan ang disenyo. Karaniwang ilang oras lang.

Madalas itanong tungkol dito

Magkano ba talaga?

Nakadepende sa laki. Ang isang landing page ay malayo sa buong site na may order system. Message mo ako kung ano ang kailangan mo at bibigyan kita ng tapat na quote — libre ito at walang obligasyon.

Kasama ba ang domain at hosting?

Kasama ang setup ng hosting, at libre ito sa umpisa. Ang domain ay bayad taon-taon sa registrar — humigit-kumulang ₱600–₱900 kada taon. Hindi ako ang naniningil nito; tutulungan lang kitang bumili at i-connect.

Paano kung may gusto akong ipabago pagkatapos?

May 2 round ng revision na kasama. Pagkatapos noon, may bayad ang malalaking pagbabago — pero tuturuan kitang mag-update ng teksto at larawan mag-isa nang libre.

Ano ang halimbawa ng nagawa mo?

Ang site mismong binabasa mo ngayon. Ginawa ito mula sa wala: disenyo, order form, GCash at bank payment flow na may proof of payment, at order tracking page.

Iba pang produkto