Privacy Policy
Huling na-update: Agosto 2026
Maikli ang buod: kinukuha lang namin ang kailangan para maproseso ang order mo, hindi namin ito ibinebenta o ibinibigay sa iba, at pwede mo itong ipabura anumang oras.
1. Ano ang kinukuha namin
Kapag nag-order ka:
- Buong pangalan
- Email address
- Mobile number
- Pangalan o link sa Facebook/Messenger (opsyonal)
- Ang produktong binili, dami, at halaga
- Ang mga sinulat mo sa notes
- Ang screenshot ng proof of payment na in-upload mo
Hindi namin kinukuha ang password, OTP, PIN, o card details mo. Wala kaming field para dito at hindi namin ito hihingin kahit kailan.
2. Bakit namin ito kinukuha
- Pangalan at proof of payment — para matukoy kung kanino galing ang bayad.
- Email — para maipadala ang kumpirmasyon at ang produkto mismo.
- Mobile at Messenger — para makausap ka kapag may problema sa order.
- Notes — para maibigay namin ang tamang bersyon para sa unit mo.
Wala kaming ipinapadalang marketing email maliban kung ikaw mismo ang humiling.
3. Saan ito nakalagay
Ang detalye ng order ay nasa isang Google Sheet, at ang mga screenshot ng resibo ay nasa isang Google Drive folder — pareho itong nasa pribadong Google account ng GDS Digital Solutions. Ang Google ang nagho-host nito bilang service provider namin. Ang website mismo ay walang database — dumadaan lang ang data papunta sa Google.
4. Sino ang nakakakita nito
Ang GDS Digital Solutions lang. Hindi namin ibinebenta, ipinaparenta, o ibinibigay ang datos mo sa mga advertiser o sa kahit sinong third party. Ibibigay lang namin ito kung ito ay hinihingi ng batas o ng may kapangyarihang awtoridad.
5. Gaano katagal namin ito itinatago
- Detalye ng order — hanggang 3 taon, para may record kung sakaling may reklamo o kailangan mong mahanap ang binili mo.
- Screenshot ng proof of payment — 12 buwan pagkatapos ma-verify, tapos binubura.
6. Ang mga karapatan mo
Sa ilalim ng Data Privacy Act of 2012 ng Pilipinas, may karapatan kang:
- Malaman kung anong impormasyon mo ang hawak namin
- Ipatama ang maling impormasyon
- Ipabura ang impormasyon mo
- Magreklamo sa National Privacy Commission
Message mo lang kami kasama ang order reference mo at gagawin namin ito sa loob ng makatwirang panahon. Tandaan lang: kapag binura namin ang record mo, mawawalan ka na rin ng patunay ng pagbili kung sakaling may kailangan kang i-claim.
7. Cookies at tracking
Walang advertising cookie o tracking pixel ang website na ito. Wala kaming Facebook Pixel, Google Analytics, o katulad nito.
Ang tanging itinatago namin sa browser mo ay:
- sessionStorage — pansamantalang naglalaman ng order reference mo para hindi ito mawala kapag nag-refresh ka. Nawawala ito pagsara mo ng tab.
Kapag nag-click ka ng link papunta sa Facebook o Messenger, sakop ka na ng patakaran ng Meta — hindi na namin iyon kontrolado.
8. Mga external na serbisyo
- Google (Sheets, Drive, Apps Script, Gmail) — dito nakalagay at dumadaan ang order data.
- Google Fonts — kumukuha ng font files. Nakikita ng Google ang IP address mo kapag naglo-load ng font.
- GitHub Pages — nagho-host ng website. Nakikita nila ang IP address mo bilang bahagi ng normal na paglilingkod ng web server.
9. Mga bata
Hindi para sa mga wala pang 18 ang website na ito. Kung ikaw ay menor de edad, kailangan ang pahintulot ng magulang o tagapag-alaga mo bago mag-order.
10. Makipag-ugnayan
May tanong o hiling tungkol sa datos mo? Message mo kami — ito ang pinakamabilis na paraan para maaksyunan.