Tungkol sa amin

GDS Digital Solutions

Maliit na operasyon na gumagawa ng mga tool para sa totoong problema ng maliliit na negosyo.

Nagsimula ang BayadTrack sa isang simpleng problema: paano mo malalaman kung sino ang nakabayad na, kung nasa notebook ang isang listahan, nasa chat ang isa, at nasa ulo mo na lang ang iba? Ginawa ito para sa mga aktwal na nangongolekta araw-araw — hindi bilang produktong pinagkakitaan, kundi dahil kailangan ito.

Ano ang ibinebenta namin ngayon

  • BayadTrack — Google Sheets na pang-koleksyon para sa internet reseller, kapitbahay-net, at kahit sinong may buwanang listahan ng sisingilin. Kayang-kaya sa cellphone.
  • GDS ONT Flasher — Windows service utility para sa supported Huawei HG8145X6-10 units (validated sa R022 at R024 variants): guided conversion workflow na may built-in safety checks, status monitoring, at GPON ↔ EPON mode switching. Para sa unit na pag-aari mo o may pahintulot kang i-service.
  • Website at landing page development — mga site tulad ng binabasa mo ngayon, para sa maliliit na negosyo.
Mga tapos na lang ang ibinebenta namin May iba pang binubuo kami. Hindi namin ito ibebenta hangga't hindi tapos at hangga't hindi namin kayang suportahan nang maayos. Kapag may bagong handa na, unang malalaman ito sa aming Facebook Page.

Paano kami nagtatrabaho

Maliit kaming operasyon — hindi kami kompanyang may support team. Ang ibig sabihin niyan: ang taong sumasagot sa iyo ay ang taong gumawa ng tool. Ibig ding sabihin, may oras kaming sinusunod, at hindi kami instant.

Ito ang mga pangako namin, at ito lang:

  • Nakasulat sa product page ang presyo at kung ano ang kasama. Walang "PM for price".
  • Kasama ang setup. Hindi ka bibigyan ng file at iiwan — inilalagay namin ito sa Google Drive mo at tinuturuan ka kung paano gamitin.
  • May 30 araw na suporta pagkatapos ng setup. Iyan ang parte na madalas nawawala sa iba.
  • Sasabihin naming hindi kung hindi bagay sa iyo. Mas mabuti nang walang benta kaysa may binili kang hindi mo nagamit.

Ang payment process

GCash at bank transfer lang. May iisang opisyal na account kami kada paraan — ipinapakita ito sa loob ng order form pagkatapos mong mag-order. Kada order ay may sariling reference number, at may status page na matitingnan mo kahit hindi ka nagme-message.

Hindi kami humihingi ng password, OTP, o card details. Ikaw mismo ang magpapadala ng bayad mula sa sarili mong app. Ang website ay tumatanggap lang ng screenshot bilang patunay.

Ang datos mo

Ang BayadTrack ay nasa sarili mong Google Drive, hindi sa amin. Ikaw ang may-ari ng file at ng lahat ng laman nito. Kung magdesisyon kang tumigil, dala mo pa rin ang lahat — walang mababawi sa iyo at walang mawawala. Nakadetalye ito sa Privacy Policy.

May tanong bago bumili?

Sabihin mo kung ilan ang kliyente mo at paano ka nangongolekta ngayon. Sasabihin ko sa iyo nang tapat kung makakatulong ito sa iyo o hindi.